Ang paradigm shift at ang mga erehe ng KWF
Ang kolum ko para sa isyu ng Vox Bikol ngayong linggo. PinoyBlogoSphere.com | Pinoy Bloggers Society (PBS) Ang Tinig ng Bagong Salinlahi
LABIS ang kasiyahan ko matapos basahin ang keynote address ni Ricardo Ma. Nolasco, chairman ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa 2007 Nakem conference na isinagawa sa Mariano Marcos State University noong Mayo 23, 2007. It made my day, ika nga.
Una, dahil kinilala rin sa wakas ng pamahalaang nasyunal ang pagiging multilinggwal at multikultural ng mga Pilipino. Sa talumpati ni Dr. Nolasco -- ang pinakamalinaw na policy statement ng gobyerno, sa aking palagay, ukol sa paglinang ng ating mga wika -- binigyang diin na hindi kahinaan, kundi lakas, ng bansa ang mahigit nitong 170ng wika. Pangsampu tayo sa buong daigdig na may pinakamaraming wika, aniya.
Ang ikalawang dahilan ay maaaring ma-misinterpret ng iba nating kababayan, gaya ng walang kwentang away sa pagitan ng ilang tinatawag na A-list Pinoy bloggers, na umani ng maanghang na reaksyon ni Gibbs Cadiz; sana naman ay hindi. Pero natutuwa akong nangyayari ang pagbabagong ito sa pananaw ng Komisyon sa pangunguna ng isang Bikolano, na tulad ni Gibbs ay tubong-Sorsogon.
At pangatlo, salig sa pagkilala ng ating pagka multilinggwal at multikultural, ang bagong bisyon at misyon ng KWF ay nagbibigay-sigla sa mga kagaya ko na nais ding payabungin at pagyamanin ang sarili naming wika -- ang Bikol na ayon kay Irvin Sto. Tomas "ay may 2.5 milyong neytiv ispiker (1990 sensus) ... at sinasalita sa malaking bahagi ng Camarines Sur at Albay, bahagi ng Camarines Norte, Catanduanes at Sorsogon at Burias Island ng Masbate."
Isa sa mga natutunan ko nang bumalik ako sa paaralan noong 2004 ay ang konsepto ng "paradigm shift." Inimbento ni Thomas Kuhn, isang Amerikanong intelektwal, ang ideyang ito upang ipaliwanag ang mga mga pagbabagong nagaganap ("scientific revolutions") sa larangan ng siyensya.
Halimbawa, nuong unang panahon, naniniwala ang mga tao na ang daigdig ang sentro ng uniberso; kilala ito bilang ang geocentric model ni Ptolemy. Kahit ang Simbahang Katoliko ay nanghawakan dito hanggang sa Middle Ages, anupat napilitan ang sikat na astronomong si Galileo na talikuran ang kanyang unang paninindigan na umiikot ang daigdig sa araw, kasuwato ng heliocentric model ni Copernicus.
Subalit naglaon, napatunayang mali si Ptolemy at tama si Copernicus, anupat si Pope John Paul II mismo ay nagsabi noong 1992 na tama pala si Galileo at nagkamali ang simbahan, although in good faith. Isang paradigm shift ang binuong modelo ni Copernicus, at malawakang binago nito ang pananaw ng tao ukol sa uniberso.
Maituturing din na isang paradigm shift ang bagong bisyon at misyon ng KWF sa pangunguna ni Nolasco. Sa mga puristang makikitid ang utak, isang erehe lang ang makapagsasabing, "Gusto naming isipin na lipas na ang panahon na ang mga gawain ng komisyon -- sa katotohanan o sa karaniwang pagkakaalam -- ay eksklusibong nakatuon sa wikang pambansa, sa kapabayaan ng mahigit na 170ng wika ng ating bansa at nang walang makatotohanang pagsasaalang-alang sa isa pang opisyal na wika ng bansa, ang Ingles, o sa mas eksaktong pormulasyon, ang Philippine English."
Pero ayon sa Pranses na si Victor Hugo, "There is nothing more powerful than an idea whose time has come." Naniniwala akong tama at napapanahon ang landas na tinatahak ng mga erehe sa KWF. Ito rin ang landas na tinatahak ng mga Bikolanong manunulat, kabilang na ang tumutula, umaawit, nagkukwento, nagsasadula at nakikipagtalakayan sa wikang Bikol, na naniniwalang tapos na ang panahon ng mga tawong lipod sa literaturang Bikolnon.
An sabi ngani kaiyan ni Frank Peñones: "Sa panahon na ini 'dai na maninigo an metapora kan mga taong lipod sa mga parasurat na Bikolano huli ta igwa nang pag-uswag, pagdakol kan mga parasurat asin pagdugang man kan saindang produksyon.'" Sa saiyang rebyu kan libro ni Peñones, si Kristian Cordero nagsumpay: "An koleksyon na ini sarong dakulang dugang sa nagtatambo tang literatura na haloy bago nakabutas sa imahe kan mga tawong lipod na ngonyan luhay-luhay nang namamansayan, namamatian kadungan kan naglalawig na terasa kan literaturang Bikol."
Bilang tugon sa layunin ng Komisyon, pinagtibay kahapon sa planning workshop ng pamahalaang panlungsod ng Naga ang pagbuo ng isang lokal na institute bago matapos ang taon; ito ang mangunguna sa pag-stardardize ng Bicol-Naga, sa tulong ng isang modernong Bicol-English dictionary.
Hindi ba mas mainam na makita ang bawat Pilipino na mahusay sa tatlong wikang kailangan para sa matatag na kinabukasan ng bansa -- ang wikang kinamulatan, ang wikang Filipino at ang Ingles -- upang ang Buwan ng Wika bawat Agosto ay maging pagdiriwang ng kanyang kakayahang harapin ang matinding hamon ng bukas?
presents
Wika2007 Blog Writing Contest
Theme: “Maraming Wika, Matatag na Bansa”
Sponsored by:
Sumali na sa DigitalFilipino.com Club
Sheero Media Solutions - Web Design and Development
Yehey.com - Pinoy to p're
The Manila Bulletin Online
WikiPilipinas: The free ‘n hip Philippine Encyclopedia
16 comments:
good luck saimo. :) sana madagdagan pa an entries from naga
-bratyfly
uy! prof nolasco was my teacher in my first year in UP. astig.
wow. sige good luck saimo willy. si translation itao ko ngonyan na semana.
Kristian, why didn't you join? Sweep ta kuta. Suba lang.
habo ko. tama na kamu dyan.
Igwa bagang Participants' Choice sa WIka2007. Check your inbox.
Magandang balita 'yan. Panahon na talagang alagaan din ang mga lokal na wika natin.
Willy Boy,
Why re-invent the wheel ? igwa na baga ki English-Bicol Dictionary na ginuibo diyan, authored by the Peace Corps from the Bronx, na si Malcolm Mintz Ph.D. much thicker than your local telephone directory. Ang natatandaan ko , haloy na ito. Mintz was assisted by the Britanico twins of Baao, Cam.Sur. Siguro updating na lang ang kaipuhan. Waddaya think ?
Porfirio Rubirosa
Congrats, consolation prize si entry mo. Haha
Irvin: Iyo man nanggad na.:) Ano man daw an pakunswelo sa consolation prize? lol
Porfirio: I took some time in answering your comment mainly because I haven't seen/read Mintz' opus although I saw a pricey set at the Ateneo during an event last year. Your description fits it to a T.
So I consulted my friend Ben Barrameda. He said one of the limitations of the work is its too Rinconada Bicol-oriented. Mga 60% daa. But it will be an invaluable reference, for sure, just like Malanyaon's Tambobong.
Willy Boy,
Why don't you communicate with Mintz himself, I'm sure he would love to return to Naga to update his magnum opus. He never returned to the US. He married a Sri-Lankan native and migrated to Australia. Last time I heared he is a faculty in a University in Perth, Western Australia ( paki Google na sana ), or ask for his address thru Canying Britanico, at 93 Ateneo Ave, just in front of the gate of the Ateneo gym. Good hunting !
Porfirio
Willy Boy,
Sinuwerte ka ngunian. Nag-Google ako, presto! yaon su whereabouts ni Mintz. Malcolm Mintz, Murdoch University, Perth, Western Australia. Senior Lecturer. Special Interests: Linguistics with a focus on Philippine languages, Bikol, Tagalog and Malay and Indonesian languages. Languages acquisition and second language teaching.
email: mintz@central.murdoch.edu.au
Bikolonon mo lang su tataramon, testingan mo kun tatao pa kan lenguahe kan mga uragon. Ask him if he would be interested as a visiting professor at the Ateneo ?
Porfirio R.
nahon ang landas na tinatahak ng mga erehe sa KWF. Ito rin ang landas na tinatahak ng mga Bikolanong manunulat, kabilang na ang tumutula, umaawit, nagkukwento, nagsasad
good topic and well written i like your blog ;) nice work .. Thanks for a great time visiting your site.
Thanks for posting this review! I love this website and I’ve subscribed to it.
Good review.
will follow your blog
top 10 web hosting review
Post a Comment